Haay…
Isang taon na rin ang nakalipas simula nung nagpakalbo ako. Sabi ko nun New Year naman kaya siguro magandang simula na rin na magpagupit ako ng buhok. Pero mukhang kamalasan ang nadulot nito dahil inatake ng aso naming yung isang kapitbahay namin nung mismong 01 January 2006. Malamang dahil Year of the Dog nga ang 2006.
Pero miss ko na rin itong buhok ko. Oo na, hindi na maayos ang buhok ko. Kung sa commercial nga ng shampoo o conditioner ako yung BEFORE. Pwedeng pwede nga ako sa mga Challenging na MAKEOVER.
Ganun pa man, IDENTITY ko na talaga itong buhok ko. Meron nga nakakilala sa akin lalo dahil sa buhok ko.
Eto nga pala yung experience ko nung 31 December 2005. Yan may BEFORE and AFTER look na.




Pero pangako ko sa sarili ko na balang araw, magpapahaba na uli ako ng buhok (sa ulo, baka ano pa isipin ninyo eh). Isang taon at tatlong buwan din ang tinagal niyang buhok ko. Mahirap simulan ngaun dahil Internship ko na sa June 2007. Kaya baka sa 2009 pa ako magkaroon uli ng ganyang kahaba.
Masaya na nga rin pala yung magpagupit ka ng drastic katulad nung ginawa ko. Kasi natatawag kang guwapo kahit paminsan minsan. Siyempre, ang pangit ko, oo na sige na inaamin ko, at malaking dahilan duon ang buhok. Kaya yun nung kalbo na ako, umayos ayos ang itsura ko, sinusuwerte naman nasasabihan ng guwapo. Wahehe…